This is a very very tagalog-filled essay so brace yourselves!! I wrote this for a class and I really want to share it because I think it is really very fitting and it really is happening to the world now.
Lahi sa Lahi
Ang pagkakategorya sa mga tao base sa kulturang kinagisnan niya ay isa sa mga pinakamadalas na klase ng panghuhusga sa panahon ngayon. Ang ganitong klase ng panghuhusga ay walang tamang basehan at ito ay hindi naman talaga napapatunayan.
Isa sa mga nakikita kong dahilan kung bakit ito ay ginagawa ng tao ay dahil sa dami ng taong kanilang nakakasalamuha at nakikilala araw-araw, hindi naman natin makikilala ng buong buo ang bawat isa sa kanila kaya binabase nalang natin ang pakikitungo natin sakanila sa kanilang kultura at sa mga taong nakapaligid sakanila. Kawalan ng kaalaman tungkol sa ibang kultura ang isa pang nakikita kong rason kung bakit lumalala ang panghuhusga ng mga tao base sa kultura ng iba.
Ayon sa mga nag-aaral tungkol sa ganitong ugali ng tao, isa sa mga teorya nila na ginagawa ito ng tao dahil sa kanilang mga pansariling alinlangan. Inilalagay nila sa isip nila na sila ang normal at ang ibang tao ay kakaiba. Sabi naman ng iba na malaking nakakaimpluwensiya dito ay ang kabataan ng tao dahil sa mga panahon na yun, bukas ang mga isip nila sa mga bagong kaalamanan at mabilis napapasok ang mga impormasyon na kanilang naririnig at nakikita sa kanilang mga magulang, kaibigan, guro at pati narin sa telebisyon.
Ang ganitong paghuhusga ay pwede magresulta sa maraming mga negatibong bagay tulad ng pagkakaroon ng mga tao ng takot ipahayag ang kanilang mga saloobin dahil baka sila ay mahusgahan, limitadong paggalaw ng tao at pati narin ang pagbaba ng tingin nila sa kanilang sarili.
Ang kinasanayang ito ay merong rin naman magandang pwede kahinatnan tulad ng mas madaling pagintindi sa ibang tao ngunit ito ay kadalasang nagiging dahilan ng mga hindi pagkakaintindihan.
Sa kabuuan, masasabi ko na hindi man puro pangit ang pwede kahinatnan ng pagkakategorya ng tao sa kanilang kapwa base sa kanilang kultura, mas mabuti na hindi nalang nila ito gawin kesa magdulot ito ng mga hindi pagkakaunawaan. Hindi maiiwasan ang panghuhusga pero mas makakabuti kung itago mo nalang ang iyong mga pananaw at tingin sa mga tao sa sarili mo lalo na pag hindi rin naman maganda ang iyong sasabihin pero hindi rin naman masama kung ilahad mo ang iyong nasa isip lalo na kapag ito ay makakatulong sa mas magandang pagtingin ng tao sa kanyang sarili.
Mga Sanggunian:
http://en.wikipedia.org/wiki/Stereotype#Theories_on_stereotypes
http://www.culturalsavvy.com/stereotyping.htm
So, what do you think about it? Did your nose bleed? Hahaha. Kidding! :)
That's all for now!
Carl `
No comments:
Post a Comment